Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 108 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 108 sa 111 • Tagalog


قُلْ هَٰذِهِ سَبِيلِي أَدْعُو إِلَى اللَّهِ ۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا وَمَنِ اتَّبَعَنِي ۖ وَسُبْحَانَ اللَّهِ وَمَا أَنَا مِنَ الْمُشْرِكِينَ 108
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Ito ay landas ko. Nag-aanyaya ako tungo [sa pagsamba] kay Allāh batay sa isang pagkatalos, ako at ang sinumang sumunod sa akin. Kaluwalhatian kay Allāh! Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal.” Yūsuf 12:108
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang inaanyayahan mo: "Ito ay daan ko na nag-aanyaya ako sa mga tao tungo rito. Ayon sa katwirang maliwanag, nag-aanyaya tungo roon ako at nag-aanyaya tungo roon ang sinumang sumunod sa akin, napatnubayan sa patnubay ko, at nagsabuhay sa kalakaran ko. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang iniugnay sa Kanya kabilang sa anumang hindi nababagay sa kapitaganan sa Kanya o sumasalungat sa kalubusan Niya. Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh, bagkus ako ay kabilang sa mga naniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 107 Susunod Yūsuf • Talata 109