Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga kababayan niya, saka nagsabi siya: “O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.” (59)
Tafsīr
Talaga ngang nagpadala si Allāh kay Noe bilang sugo sa mga kababayan nito, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya, saka nagsabi siya sa kanila: "O mga kababayan ko, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Tunay na ako ay nangangamba para sa inyo, O mga kalipi, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, habang nasa kalagayan ng pagpupumilit ninyo sa kawalang-pananampalataya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: