Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 109 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 109 sa 111 • Tagalog


وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ مِنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ ۗ أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۗ وَلَدَارُ الْآخِرَةِ خَيْرٌ لِلَّذِينَ اتَّقَوْا ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 109
Pagsasalin:
Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila kabilang sa mga mamayan ng mga pamayanan [nila]. Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Talagang ang tahanan ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Yūsuf 12:109
Tafsīr:
Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaki kabilang sa mga tao, hindi mga anghel. Nagkakasi Kami sa kanila kung paanong nagkakasi Kami sa iyo, kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod, hindi kabilang sa mga naninirahan sa mga ilang. Ngunit nagpasinungaling sa kanila ang mga kalipunan nila kaya nagpahamak Kami sa mga iyon. Kaya hindi ba naglakbay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo sa lupa para magmuni-muni sila kung papaano ang naging wakas ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa mga iyon? Ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa Mundo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa na iyon ay higit na mabuti para mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pananampalataya, at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na ang pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 108 Susunod Yūsuf • Talata 110