Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 110 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 110 sa 111 • Tagalog


حَتَّىٰ إِذَا اسْتَيْأَسَ الرُّسُلُ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا جَاءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّيَ مَنْ نَشَاءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ 110
Pagsasalin:
[Nagpalugit] hanggang sa nang pinaglahuan ng pag-asa ang mga sugo at nakatiyak sila na sila ay pinagsinungalingan nga ay dumating sa kanila ang pag-aadya Namin saka nailigtas ang sinumang niloloob Namin. Hindi napipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin. Yūsuf 12:110
Tafsīr:
Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway nila at hindi Kami nagmamadali sa mga iyon ng kaparusahan bilang pagpapain sa mga iyon. Hanggang sa nang naantala ang pagpapahamak sa mga iyon, nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa kapahamakan ng mga iyon, at nakatiyak ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na parusa para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa kapahamakan na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi napipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 109 Susunod Yūsuf • Talata 111