Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 111 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 111 sa 111 • Tagalog


لَقَدْ كَانَ فِي قَصَصِهِمْ عِبْرَةٌ لِأُولِي الْأَلْبَابِ ۗ مَا كَانَ حَدِيثًا يُفْتَرَىٰ وَلَٰكِنْ تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ كُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 111
Pagsasalin:
Talaga ngang sa mga kasaysayan nila ay may naging aral para sa mga may isip. Hindi ito naging isang sanaysay na magagawa-gawa, bagkus pagpapatotoo sa nauna rito, isang pagdedetalye sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya. Yūsuf 12:111
Tafsīr:
Talaga ngang sa mga kasaysayan ng mga sugo, mga kasaysayan ng mga kalipunan nila, at sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay may naging pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga may isip na malusog. Ang Qur'ān na naglalaman niyon ay hindi naging isang pananalitang nilikha-likhang ipinagsinungaling laban kay Allāh. Bagkus ito ay naging isang pagpapatotoo para sa mga kasulatang makalangit na ibinaba mula sa ganang kay Allāh, isang pagdedetalye para sa bawat nangangailangan ng pagdedetalye na mga patakaran at mga batas, isang paggagabay para sa bawat mabuti, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya rito sapagkat sila ay nakikinabang sa anumang narito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 110 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 1