Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 1 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 1 sa 43 • Tagalog


المر ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْكِتَابِ ۗ وَالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ الْحَقُّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يُؤْمِنُونَ 1
Pagsasalin:
Alif. Lām. Mīm. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat. Ang pinababa sa iyo mula sa Panginoon mo ay ang katotohanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya. Ar-Ra‘d 13:1
Tafsīr:
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang mataas na ito sa kabanatang ito at ang Qur'ān na pinababa ni Allāh sa iyo, O Sugo, ay ang katotohanan na walang pag-aalangan hinggil dito at walang duda na ito ay mula sa ganang kay Allāh, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya rito dala ng isang pagmamatigas at isang pagpapakamalaki.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 111 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 2