Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 2 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 2 sa 43 • Tagalog


اللَّهُ الَّذِي رَفَعَ السَّمَاوَاتِ بِغَيْرِ عَمَدٍ تَرَوْنَهَا ۖ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ وَسَخَّرَ الشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ يَجْرِي لِأَجَلٍ مُسَمًّى ۚ يُدَبِّرُ الْأَمْرَ يُفَصِّلُ الْآيَاتِ لَعَلَّكُمْ بِلِقَاءِ رَبِّكُمْ تُوقِنُونَ 2
Pagsasalin:
Si Allāh ang nag-angat ng mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono. Pinagsilbi Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay umiinog para sa isang taning na tinukoy. Nangangasiwa Siya ng nauukol. Nagdedetalye Siya ng mga tanda nang sa gayon kayo sa pakikipagkita sa Panginoon ninyo ay nakatitiyak. Ar-Ra‘d 13:2
Tafsīr:
Si Allāh ay ang lumikha sa mga langit habang mga nakaangat na walang mga pantukod na nasasaksihan ninyo. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang nababagay sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – nang walang takyīf (paglalarawan sa kahulugan) at walang tamthīl (pagtutulad sa kahulugan). Isinailalim Niya ang araw at ang buwan para sa mga kapakinabangan ng nilikha Niya. Bawat isa sa araw at buwan ay umiinog sa isang yugtong tinakdaan sa kaalaman ni Allāh. Nagsasarisari Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng pasya sa mga langit at lupa ayon sa niloloob Niya. Naglilinaw Siya sa mga tandang nagpapatunay sa kakayahan Niya, sa pag-asang makatiyak kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo sa Araw ng Pagbangon para maghanda kayo para roon ng gawang maayos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 1 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 3