Kaya natiwasay ba sila na pumunta sa kanila ang isang tagabalot mula sa pagdurusang dulot ni Allāh o pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakararamdam? Yūsuf 12:107 ⧉
Tafsīr:
Kaya natiwasay ba ang mga tagapagtambal na ito na pumunta sa kanila ang isang kaparusahan sa Mundo na maglulubog sa kanila at lulukob sa kanila, na hindi nila nakakakayang itulak iyon, o na pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakadarama sa pagpunta nito para makapaghanda sila para rito, kaya dahil doon hindi sila sumampalataya?