Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi Kami nagsugo bago mo pa kundi ng mga lalaking nagkakasi Kami sa kanila kabilang sa mga mamayan ng mga pamayanan [nila]. Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para tumingin sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga bago pa nila? Talagang ang tahanan ng Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (109)
Tafsīr
Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaki kabilang sa mga tao, hindi mga anghel. Nagkakasi Kami sa kanila kung paanong nagkakasi Kami sa iyo, kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod, hindi kabilang sa mga naninirahan sa mga ilang. Ngunit nagpasinungaling sa kanila ang mga kalipunan nila kaya nagpahamak Kami sa mga iyon. Kaya hindi ba naglakbay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo sa lupa para magmuni-muni sila kung papaano ang naging wakas ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa mga iyon? Ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa Mundo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa na iyon ay higit na mabuti para mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pananampalataya, at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na ang pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: