Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 110)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 110

حَتَّىٰ إِذَا اسْتَيْأَسَ الرُّسُلُ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا جَاءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّيَ مَنْ نَشَاءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ 110 ١١٠

[Nagpalugit] hanggang sa nang pinaglahuan ng pag-asa ang mga sugo at nakatiyak sila na sila ay pinagsinungalingan nga ay dumating sa kanila ang pag-aadya Namin saka nailigtas ang sinumang niloloob Namin. Hindi napipigil ang parusa Namin sa mga taong salarin. (110)

Tafsīr
Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway nila at hindi Kami nagmamadali sa mga iyon ng kaparusahan bilang pagpapain sa mga iyon. Hanggang sa nang naantala ang pagpapahamak sa mga iyon, nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa kapahamakan ng mga iyon, at nakatiyak ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na parusa para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa kapahamakan na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi napipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba