Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 111)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 111

لَقَدْ كَانَ فِي قَصَصِهِمْ عِبْرَةٌ لِأُولِي الْأَلْبَابِ ۗ مَا كَانَ حَدِيثًا يُفْتَرَىٰ وَلَٰكِنْ تَصْدِيقَ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ كُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ 111 ١١١

Talaga ngang sa mga kasaysayan nila ay may naging aral para sa mga may isip. Hindi ito naging isang sanaysay na magagawa-gawa, bagkus pagpapatotoo sa nauna rito, isang pagdedetalye sa bawat bagay, isang patnubay, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya. (111)

Tafsīr
Talaga ngang sa mga kasaysayan ng mga sugo, mga kasaysayan ng mga kalipunan nila, at sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay may naging pangaral na napangangaralan sa pamamagitan nito ang mga may isip na malusog. Ang Qur'ān na naglalaman niyon ay hindi naging isang pananalitang nilikha-likhang ipinagsinungaling laban kay Allāh. Bagkus ito ay naging isang pagpapatotoo para sa mga kasulatang makalangit na ibinaba mula sa ganang kay Allāh, isang pagdedetalye para sa bawat nangangailangan ng pagdedetalye na mga patakaran at mga batas, isang paggagabay para sa bawat mabuti, at isang awa para sa mga taong sumasampalataya rito sapagkat sila ay nakikinabang sa anumang narito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba