Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “O ama namin, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Jose samantalang tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapagpayo? (11)
Tafsīr
Noong nagkaisa sila sa pagpapalayo sa kanya ay nagsabi sila sa ama nilang si Jacob: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi mo kami ginagawa bilang mga katiwala kay Jose? Tunay na kami ay talagang mga nagmamalasakit para sa kanya. Aalagaan namin siya laban sa pipinsala sa kanya. Kami ay mga tagapayo sa kanya sa pag-iingat sa kanya at pag-aalaga sa kanya hanggang sa umuwi siya sa iyo nang ligtas. Kaya ano ang pumipigil sa iyo sa pagpapadala sa kanya kasama sa amin?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: