Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 11 sa 111 • Tagalog


قَالُوا يَا أَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأْمَنَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُ لَنَاصِحُونَ 11
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “O ama namin, ano ang mayroon sa iyo na hindi ka nagtitiwala sa amin para kay Jose samantalang tunay na kami sa kanya ay talagang mga tagapagpayo? Yūsuf 12:11
Tafsīr:
Noong nagkaisa sila sa pagpapalayo sa kanya ay nagsabi sila sa ama nilang si Jacob: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi mo kami ginagawa bilang mga katiwala kay Jose? Tunay na kami ay talagang mga nagmamalasakit para sa kanya. Aalagaan namin siya laban sa pipinsala sa kanya. Kami ay mga tagapayo sa kanya sa pag-iingat sa kanya at pag-aalaga sa kanya hanggang sa umuwi siya sa iyo nang ligtas. Kaya ano ang pumipigil sa iyo sa pagpapadala sa kanya kasama sa amin?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 10 Susunod Yūsuf • Talata 12