Nagsabi ang isang nagsasabi kabilang sa kanila: “Huwag ninyong patayin si Jose. Ihagis ninyo siya sa kailaliman ng balon, pupulutin siya ng ilan sa mga karaban kung kayo ay gagawa [niyon].” Yūsuf 12:10 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang isa sa magkakapatid: "Huwag ninyong patayin si Jose; subalit itapon ninyo siya sa kailaliman ng balon, kukunin siya ng ilan sa mga manlalakbay na daraan sa kanya. Ito ay higit na magaan na pinsala kaysa sa pagpatay sa kanya, kung kayo ay mga desidido sa sinabi ninyo kaugnay sa kanya."