Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 18

وَجَاءُوا عَلَىٰ قَمِيصِهِ بِدَمٍ كَذِبٍ ۚ قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنْفُسُكُمْ أَمْرًا ۖ فَصَبْرٌ جَمِيلٌ ۖ وَاللَّهُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ 18 ١٨

Dumating sila kasama ng kamisa niya na may dugong huwad. Nagsabi siya: “Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Si Allāh ay ang pinagpapatulungan laban sa inilalarawan ninyo.” (18)

Tafsīr
Nagbigay-diin sila sa ulat nila sa pamamagitan ng isang panggugulang sapagkat naghatid sila ng kamisa ni Jose na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, habang mga nagpapaakala na ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob – sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit – sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang bagay na ginawa ninyo. Kaya ang nauukol sa akin ay isang pagtitiis na marilag, na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Jose."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba