Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ipinagbili nila siya sa isang kulang na panumbas: mga dirham na mabibilang. Sila sa kanya ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga. (20)
Tafsīr
Ibinenta siya ng tagaigib at ng mga kasamahan nito sa Ehipto sa halagang katiting sapagkat ito ay mga dirham na madaling bilangin dahil sa kakauntian ng mga ito. Sila ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga sa kanya dahil sa sigasig nila sa paghahangad nila sa pagwawaksi sa kanya nang mabilisan sapagkat nalaman nga nila mula sa kalagayan niya na siya ay hindi isang alipin. Nangamba sila para sa mga sarili nila mula sa mag-anak niya. Ito ay bahagi ng kalubusan ng awa ni Allāh sa kanya upang hindi siya manatili kasama sa kanila nang matagal.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: