Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 20 sa 111 • Tagalog


وَشَرَوْهُ بِثَمَنٍ بَخْسٍ دَرَاهِمَ مَعْدُودَةٍ وَكَانُوا فِيهِ مِنَ الزَّاهِدِينَ 20
Pagsasalin:
Ipinagbili nila siya sa isang kulang na panumbas: mga dirham na mabibilang. Sila sa kanya ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga. Yūsuf 12:20
Tafsīr:
Ibinenta siya ng tagaigib at ng mga kasamahan nito sa Ehipto sa halagang katiting sapagkat ito ay mga dirham na madaling bilangin dahil sa kakauntian ng mga ito. Sila ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga sa kanya dahil sa sigasig nila sa paghahangad nila sa pagwawaksi sa kanya nang mabilisan sapagkat nalaman nga nila mula sa kalagayan niya na siya ay hindi isang alipin. Nangamba sila para sa mga sarili nila mula sa mag-anak niya. Ito ay bahagi ng kalubusan ng awa ni Allāh sa kanya upang hindi siya manatili kasama sa kanila nang matagal.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 19 Susunod Yūsuf • Talata 21