Nagsabi ang bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: “Magparangal ka sa panunuluyan niya; marahil magpakinabang siya sa atin o magturing tayo sa kanya bilang anak.” Gayon Kami nagbigay-kapangyarihan para kay Jose sa lupain at upang magturo Kami sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si Allāh ay nananaig sa pinangyayari Niya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. Yūsuf 12:21 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang lalaking bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: "Gumawa ka ng maganda sa kanya at magparangal ka sa pananatili niya kasama sa atin. Harinawa siya ay magpapakinabang sa atin sa pagsasagawa sa ilan sa kinakailangan natin, o gawin nating anak sa pamamagitan ng pag-ampon." Kung paanong nagligtas si Allāh kay Jose mula sa pagkakapatay, nagpalabas Siya rito mula sa balon, at nagpairog dito sa puso ng Makapangyarihan, nagbigay-kapangyarihan si Allāh para sa kanya sa Ehipto at upang magturo Siya sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si Allāh ay nananaig sa pinangyayari Niya sapagkat ang pinangyayari Niya ay matutupad, saka walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – subalit ang karamihan sa mga tao – ang mga tagatangging sumampalataya – ay hindi nakaaalam niyon.