Noong umabot siya sa katindihan niya ay nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at kaalaman. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa ng maganda. Yūsuf 12:22 ⧉
Tafsīr:
Noong umabot si Jose sa edad ng kalakasan ng katawan ay nagbigay si Allāh sa kanya ng pagkaintindi at kaalaman. Tulad ng ganting ito na iginanti ni Allāh sa kanya, gaganti Siya sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Kanya.