Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 24)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 24

وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَا أَنْ رَأَىٰ بُرْهَانَ رَبِّهِ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ السُّوءَ وَالْفَحْشَاءَ ۚ إِنَّهُ مِنْ عِبَادِنَا الْمُخْلَصِينَ 24 ٢٤

Talaga ngang nagbalak ito sa kanya; at nagbalak sana siya, kung sakaling hindi siya nakakita ng patotoo ng Panginoon niya. Gayon ay upang maglihis Kami palayo sa kanya ng kasagwaan at kahalayan. Tunay na siya ay kabilang sa mga lingkod Naming mga itinatangi. (24)

Tafsīr
Talaga ngang napaibig ang sarili nito sa paggawa ng mahalay; at sumagi sa sarili ni Jose mismo iyon, kung sakaling hindi siya nakakita ng mula sa mga tanda ni Allāh, na pumipigil sa kanya roon at naglalayo sa kanya. Ipinakita nga sa kanya ni Allāh iyon upang alisin sa kanya ang kasagwaan at ilayo siya sa pangangalunya at pagtataksil. Tunay na si Jose ay kabilang sa mga lingkod ni Allāh na mga pinili para sa pagkasugo at pagkapropeta.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba