Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 26

قَالَ هِيَ رَاوَدَتْنِي عَنْ نَفْسِي ۚ وَشَهِدَ شَاهِدٌ مِنْ أَهْلِهَا إِنْ كَانَ قَمِيصُهُ قُدَّ مِنْ قُبُلٍ فَصَدَقَتْ وَهُوَ مِنَ الْكَاذِبِينَ 26 ٢٦

Nagsabi siya: “Siya ay nagtangkang umakit sa akin palayo sa sarili ko.” Sumaksi ang isang tagasaksi kabilang sa kasambahay nito, [na nagsasabi]: “Kung nangyaring ang kamisa niya ay nalaslas mula sa harapan, nagpakatotoo ito at siya ay kabilang sa mga sinungaling. (26)

Tafsīr
Nagsabi si Yusuf – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ang humiling mula sa akin ng mahalay at hindi ako nagnais niyon mula sa kanya." May naudyukan na isang paslit kabilang sa kasambahay nito, saka sumaksi iyon sa pagsabi niyon: "Kung ang kamisa ni Yusuf ay nawarat mula sa harapan niyon, iyon ay isang kaugnay na patunay sa katapatan nito (babae) dahil ito ay nagtatanggol sa kanya ng sarili nito kaya siya ay sinungaling."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba