Surah Al-Mujādilah (Ang Babaeng Nakikipagtalo — المجادلة) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




58 Al-Mujādilah(المجادلة), Talata 18

يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيَحْلِفُونَ لَهُ كَمَا يَحْلِفُونَ لَكُمْ ۖ وَيَحْسَبُونَ أَنَّهُمْ عَلَىٰ شَيْءٍ ۚ أَلَا إِنَّهُمْ هُمُ الْكَاذِبُونَ 18 ١٨

sa Araw na bubuhay sa kanila si Allāh nang lahatan saka manunumpa sila sa Kanya kung paanong nanunumpa sila sa inyo [na mga mananampalataya]. Nag-aakala sila na sila ay [nakabatay] sa isang bagay. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling. (18)

Tafsīr
sa Araw na bubuhayin sila ni Allāh sa kalahatan: hindi Siya mag-iiwan mula sa kanila ng isa man malibang bubuhayin Niya ito para sa pagganti, saka manunumpa sila kay Allāh na hindi raw sila dati nasa kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, at sila raw dati ay mga mananampalataya na tagagawa lamang ng ikinalulugod ni Allāh. Manunumpa sila sa Kanya sa Kabilang-buhay kung paano sila dating nanunumpa sa inyo, O mga mananampalataya, sa Mundo na sila raw ay mga Muslim. Nagpapalagay sila na sila, dahil sa mga panunumpang ito na ipinanunumpa nila kay Allāh, ay [nakabatay] sa isang bagay na kabilang sa magdudulot para sa kanila ng isang kapakinabangan o magtutulak palayo sa kanila ng isang kapinsalaan. Pansinin, tunay na sila ay ang mga sinungaling, sa totoo, sa mga panunumpa nila sa Mundo at sa mga panunumpa nila sa Kabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba