Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 36

وَدَخَلَ مَعَهُ السِّجْنَ فَتَيَانِ ۖ قَالَ أَحَدُهُمَا إِنِّي أَرَانِي أَعْصِرُ خَمْرًا ۖ وَقَالَ الْآخَرُ إِنِّي أَرَانِي أَحْمِلُ فَوْقَ رَأْسِي خُبْزًا تَأْكُلُ الطَّيْرُ مِنْهُ ۖ نَبِّئْنَا بِتَأْوِيلِهِ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ 36 ٣٦

May pumasok kasama sa kanya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay pumipiga ng alak.” Nagsabi naman ang isa pa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay bumubuhat sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin hinggil sa pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda.” (36)

Tafsīr
Kaya ibinilanggo nila siya at may pumasok kasama sa kanya na dalawang binata sa bilangguan. Nagsabi ang isa sa dalawang binata kay Jose: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay pumipiga ng ubas upang maging alak." Nagsabi naman ang ikalawa: "Tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magpabatid ka sa amin, O Jose, ng pagpapaliwanag ng napanaginipan namin. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga alagad ng paggawa ng maganda."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba