Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 37

قَالَ لَا يَأْتِيكُمَا طَعَامٌ تُرْزَقَانِهِ إِلَّا نَبَّأْتُكُمَا بِتَأْوِيلِهِ قَبْلَ أَنْ يَأْتِيَكُمَا ۚ ذَٰلِكُمَا مِمَّا عَلَّمَنِي رَبِّي ۚ إِنِّي تَرَكْتُ مِلَّةَ قَوْمٍ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ كَافِرُونَ 37 ٣٧

Nagsabi siya: “Walang pumupunta sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa hinggil sa pagpapakahulugan nito bago pumunta ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya. (37)

Tafsīr
Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Walang pumupunta sa inyo na pagkaing ipinararating sa inyong dalawa mula sa hari o iba pa sa kanya malibang maglilinaw ako para sa inyong dalawa ng katotohanan niyon at katangian niyon bago pumunta ito sa inyong dalawa. Ang pagpapakahulugang iyon na ipaaalam ko ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko, hindi mula sa panghuhula ni mula sa astrolohiya. Tunay na ako ay nag-iwan sa relihiyon ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba