Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 38

وَاتَّبَعْتُ مِلَّةَ آبَائِي إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۚ مَا كَانَ لَنَا أَنْ نُشْرِكَ بِاللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ عَلَيْنَا وَعَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ 38 ٣٨

Sumunod ako sa kapaniwalaan ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi naging ukol sa amin na magtambal kami kay Allāh ng anumang bagay. Iyon ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin at sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat. (38)

Tafsīr
Sumunod ako sa relihiyon ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Ito ay ang relihiyon ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Hindi natutumpak para sa amin na magtambal kami kay Allāh ng iba pa sa Kanya. Siya ay ang namumukod-tangi sa kaisahan. Ang paniniwala sa kaisahan Niya at ang pananampalatayang iyon na ako at ang mga ninuno ko ay nakabatay ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin, na nagtuon Siya sa amin doon, at bahagi ng kabutihang-loob Niya sa mga tao sa kalahatan nang nagpadala Siya sa kanila ng mga propeta dahil doon. Subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya bagkus tumatangging sumampalataya sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba