Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 3)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 3

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ أَحْسَنَ الْقَصَصِ بِمَا أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ هَٰذَا الْقُرْآنَ وَإِنْ كُنْتَ مِنْ قَبْلِهِ لَمِنَ الْغَافِلِينَ 3 ٣

Kami ay nagsasalaysay sa iyo ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil nagkasi Kami sa iyo ng Qur’ān na ito, bagamat ikaw dati bago pa nito ay talagang kabilang sa mga nalilingat. (3)

Tafsīr
Kami ay nagsasalaysay sa iyo, O Sugo, ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil sa katapatan nito, kawastuhan ng mga pananalita nito, at retorika nito sa pamamagitan ng pagpapababa Namin sa iyo ng Qur’ān na ito. Tunay na ikaw dati bago pa ng pagpapababa nito ay kabilang sa mga nalilingat sa mga salaysay na ito: walang kaalaman sa iyo rito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba