Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 50

فَانْظُرْ إِلَىٰ آثَارِ رَحْمَتِ اللَّهِ كَيْفَ يُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 50 ٥٠

Kaya tumingin ka sa mga bakas ng awa ni Allāh kung papaano Siyang nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na Iyon ay talagang magbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. (50)

Tafsīr
Kaya tumingin ka, O Sugo, sa mga bakas ng ulan na ibinababa ni Allāh bilang awa sa mga lingkod Niya kung papaano nagbibigay-buhay si Allāh sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na mga uri ng mga halaman matapos ng katuyuan nito at katuyutan nito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa tuyong lupang iyon ay talagang Siya ang magbubuhay sa mga patay para maging mga buhay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba