Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 50 sa 60 • Tagalog


فَانْظُرْ إِلَىٰ آثَارِ رَحْمَتِ اللَّهِ كَيْفَ يُحْيِي الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا ۚ إِنَّ ذَٰلِكَ لَمُحْيِي الْمَوْتَىٰ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 50
Pagsasalin:
Kaya tumingin ka sa mga bakas ng awa ni Allāh kung papaano Siyang nagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito. Tunay na Iyon ay talagang magbibigay-buhay sa mga patay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan. Ar-Rūm 30:50
Tafsīr:
Kaya tumingin ka, O Sugo, sa mga bakas ng ulan na ibinababa ni Allāh bilang awa sa mga lingkod Niya kung papaano nagbibigay-buhay si Allāh sa lupa sa pamamagitan ng pinatutubo Niya rito na mga uri ng mga halaman matapos ng katuyuan nito at katuyutan nito. Tunay na ang nagbigay-buhay sa tuyong lupang iyon ay talagang Siya ang magbubuhay sa mga patay para maging mga buhay. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 49 Susunod Ar-Rūm • Talata 51