Talagang kung nagsugo Kami ng isang hangin [na mapanira] saka nakakita sila [ng pananim nila] habang naninilaw ay talagang nanatili sila matapos na niyon na tumatangging sumampalataya. Ar-Rūm 30:51 ⧉
Tafsīr:
Talagang kung nagpadala Kami sa mga pananim nila at mga halaman nila ng isang hanging maninira sa kanila at nakita nila ang mga pananim nila na naninilaw ang mga kulay matapos na ang mga ito dati ay luntian, talagang nanatili sila, matapos ng pagkasaksi nila sa mga ito, na tumatangging magpasalamat sa mga naunang biyaya ni Allāh sa kabila ng dami ng mga iyon.