Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong nagbukas sila ng dala-dalahan nila ay nakatagpo sila sa paninda nila na isinauli sa kanila. Nagsabi sila: “O ama namin, ano pa ang hahangarin namin? Ito ay mga paninda naming isinauli sa amin. Maglalaan kami sa mag-anak namin. Mag-iingat kami sa kapatid namin. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo [sa pagdala kay Benjamin]; iyon ay isang takal na madali.” (65)
Tafsīr
Noong nagbukas sila ng mga sisidlan ng pagkain nila na dinala nila ay nakatagpo sila sa halaga nito na isinauli sa kanila. Kaya nagsabi sila sa ama nila: "Alin pang bagay ang mahihiling namin sa makapangyarihang ito matapos ng pagpaparangal na ito? Ito ay ang halaga ng pagkain namin, na isinauli ng makapangyarihan bilang pagmamagandang-loob mula sa kanya sa amin. Makapagdudulot kami ng pagkain para sa mag-anak namin. Makapag-iingat kami sa kapatid namin laban sa pinangangambahan mo para sa kanya. Madaragdagan kami ng isang takal [na pasan] ng kamelyo dahilan sa pagsasama sa kanya sapagkat ang pagdaragdag ng isang takal [na pasan] ng kamelyo ay isang bagay na madali sa ganang makapangyarihan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: