Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




49 Al-Ḥujurāt(الحجرات), Talata 6

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ جَاءَكُمْ فَاسِقٌ بِنَبَإٍ فَتَبَيَّنُوا أَنْ تُصِيبُوا قَوْمًا بِجَهَالَةٍ فَتُصْبِحُوا عَلَىٰ مَا فَعَلْتُمْ نَادِمِينَ 6 ٦

O mga sumampalataya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang balita ay magsiyasat kayo dahil baka makapaminsala kayo ng mga tao dahil sa kamangmangan, saka kayo dahil sa nagawa ninyo ay baka maging mga nagsisisi. (6)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya, kung naghatid sa inyo ang isang suwail ng isang ulat tungkol sa mga tao ay tumiyak kayo sa katumpakan ng ulat niya at huwag kayong magdali-dali sa paniniwala sa kanya sa pangambang baka makapaminsala kayo – kapag naniwala kayo sa ulat niya nang walang pagtitiyak – sa mga tao dahil sa isang krimen habang kayo ay mga mangmang sa reyalidad ng kalagayan nila, kaya kayo matapos ng pamiminsala ninyo sa kanila ay baka maging mga nagsisisi kapag luminaw sa inyo ang kasinungalingan ng ulat niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba