Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Noong nakapasok sila mula sa kung saan ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nagdudulot ito sa kanila laban kay Allāh ng anuman maliban ng isang pangangailangan sa sarili ni Jacob, na tinugon niya. Tunay na siya ay talagang may kaalaman dahil sa naituro Namin sa kanya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam. (68)
Tafsīr
Kaya lumisan sila at kasama sa kanila ang kapatid na buo ni Jose. Noong nakapasok sila mula sa mga pintuang magkakaiba-iba, gaya ng ipinag-utos sa kanila ng ama nila, hindi nangyaring nakapagtanggol sa kanila ang pagpasok nila mula sa mga pintong magkakaiba-iba laban sa anumang kabilang sa itinakda ni Allāh sa kanila. Iyon lamang ay bahagi ng awa ni Jacob sa mga anak niya, na inihayag niya at itinagubilin niya sa kanila. Siya ay nakaaalam na walang pagtatadhana maliban sa pagtatadhana ni Allāh sapagkat siya ay nakaaalam sa itinuro ni Allāh sa kanya na pananampalataya sa pagtatakda at paggawa ng mga kadahilanan, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam niyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: