Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 70

فَلَمَّا جَهَّزَهُمْ بِجَهَازِهِمْ جَعَلَ السِّقَايَةَ فِي رَحْلِ أَخِيهِ ثُمَّ أَذَّنَ مُؤَذِّنٌ أَيَّتُهَا الْعِيرُ إِنَّكُمْ لَسَارِقُونَ 70 ٧٠

Kaya noong nagkaloob siya sa kanila ng kailangan nila ay inilagay niya ang inuman sa sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos nanawagan ang isang tagapanawagan: “O karaban, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw.” (70)

Tafsīr
Kaya noong nakapag-utos si Jose sa mga tagapaglingkod niya ng pagkarga ng pagkain sa mga kamelyo ng mga kapatid niya, inilagay niya ang pantakal ng hari na ipinantatakal sa pagkain para sa mga mamimili ng pagkain sa lalagyan ng kapatid niyang buo nang walang kaalaman nila upang magtagumpay sa pagpapanatili rito kasama sa kanya. Noong nakalisan sila pauwi sa mag-anak nila ay may nanawagang isang tagapanawagang nakasunod sa bakas nila: "O mga may-ari ng mga kamelyong kinargahan ng mga panustos, tunay na kayo ay talagang mga magnanakaw."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba