Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 77)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 77

قَالُوا إِنْ يَسْرِقْ فَقَدْ سَرَقَ أَخٌ لَهُ مِنْ قَبْلُ ۚ فَأَسَرَّهَا يُوسُفُ فِي نَفْسِهِ وَلَمْ يُبْدِهَا لَهُمْ ۚ قَالَ أَنْتُمْ شَرٌّ مَكَانًا ۖ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا تَصِفُونَ 77 ٧٧

Nagsabi sila: “Kung nagnakaw siya ay nagnakaw nga ang isang kapatid niya bago pa niyan.” Ngunit naglihim nito si Jose sa sarili niya at hindi siya nagpahalata nito sa kanila. Nagsabi siya: “Kayo ay higit na masama sa kalagayan at si Allāh ay higit na maalam sa anumang inilalarawan ninyo.” (77)

Tafsīr
Nagsabi ang mga kapatid ni Jose: "Kung nagnakaw siya ay walang kataka-taka sapagkat nagnakaw na ang isang kapatid niyang buo bago ng pagnanakaw niya mismo." Tumutukoy sila kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagkubli si Jose ng pagkasakit ng damdamin niya sa pinagsasabi nilang ito at hindi siya naglantad nito sa kanila. Nagsabi siya sa kanila sa sarili niya: "Ang taglay ninyong inggit at paggagawa ng kasagwaan na nauna na mula sa inyo ay ang kasamaan mismo sa kalagayang ito. Si Allāh –pagkataas-taas Siya – ay higit na maalam sa paggawa-gawang ito [ng kasinungalingan] na namumutawi mula sa inyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba