Nagsabi sila: “Kung nagnakaw siya ay nagnakaw nga ang isang kapatid niya bago pa niyan.” Ngunit naglihim nito si Jose sa sarili niya at hindi siya nagpahalata nito sa kanila. Nagsabi siya: “Kayo ay higit na masama sa kalagayan at si Allāh ay higit na maalam sa anumang inilalarawan ninyo.” Yūsuf 12:77 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi ang mga kapatid ni Jose: "Kung nagnakaw siya ay walang kataka-taka sapagkat nagnakaw na ang isang kapatid niyang buo bago ng pagnanakaw niya mismo." Tumutukoy sila kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit nagkubli si Jose ng pagkasakit ng damdamin niya sa pinagsasabi nilang ito at hindi siya naglantad nito sa kanila. Nagsabi siya sa kanila sa sarili niya: "Ang taglay ninyong inggit at paggagawa ng kasagwaan na nauna na mula sa inyo ay ang kasamaan mismo sa kalagayang ito. Si Allāh –pagkataas-taas Siya – ay higit na maalam sa paggawa-gawang ito [ng kasinungalingan] na namumutawi mula sa inyo."