Kaya nagsimula siya sa mga sisidlan nila bago ng sisidlan ng kapatid niya. Pagkatapos naipalabas niya ito mula sa sisidlan ng kapatid niya. Gayon nanlansi Kami para kay Jose. Hindi naging ukol na magdala siya sa kapatid niya sa batas ng hari maliban kung niloob ni Allāh. Nag-aangat Kami sa mga antas ng sinumang niloloob Namin. Sa ibabaw ng bawat may kaalaman ay isang maalam. Yūsuf 12:76 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagpabalik ang mga iyon sa kanila kay Jose para sa pagsisiyasat sa mga sisidlan nila. Nagsimula siya sa pagsisiyasat sa mga sisidlan ng mga kapatid niyang hindi buo bago ng pagsisiyasat sa sisidlan ng kapatid niyang buo bilang pagtatakip sa panlalalang. Pagkatapos siniyasat niya ang sisidlan ng kapatid niyang buo at inilabas ang salop ng hari mula roon. Kung paanong nagpakana si Allāh para kay Jose sa pamamagitan ng pagpapanukala ng paglalagay ng salop sa lalagyan ng kapatid niya, nagpakana pa para sa kanya ng iba pang bagay: na magpataw sa mga kapatid niya ayon sa parusa ng bayan nila sa pamamagitan ng pang-aalipin sa magnanakaw. Ang bagay na ito ay hindi maisasakatuparan kung sakaling nagsagawa ng parusa ng hari para sa magnanakaw, na paghahagupit at pagpapamulta, malibang lumuob si Allāh ng iba pang panukala sapagkat Siya ay Nakakakaya niyon. Nag-aangat si Allāh sa mga ranggo ng mga niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya kung paanong nag-angat Siya sa ranggo ni Jose. Sa ibabaw ng bawat nagtataglay ng kaalaman ay may isang higit na maalam kaysa sa kanya at sa ibabaw ng kaalaman ng lahat ay ang kaalaman ni Allāh na nakaaalam sa bawat bagay.