Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 78 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 78 sa 111 • Tagalog


قَالُوا يَا أَيُّهَا الْعَزِيزُ إِنَّ لَهُ أَبًا شَيْخًا كَبِيرًا فَخُذْ أَحَدَنَا مَكَانَهُ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ 78
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “O Makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang lubhang matanda, kaya kumuha ka po ng isa sa amin kapalit niya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo kabilang sa mga tagagawa ng maganda.” Yūsuf 12:78
Tafsīr:
Nagsabi ang mga kapatid ni Jose kay Jose: "O makapangyarihan, tunay na siya ay may isang amang matandang labis sa edad, na umiibig sa kanya nang higit, kaya dumakip ka po ng isa sa amin bilang pamalit sa kanya. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo kabilang sa mga tagagawa ng maganda sa pakikitungo sa amin at pakikitungo sa iba pa sa amin, kaya gumawa ka po ng maganda sa amin sa pamamagitan niyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 77 Susunod Yūsuf • Talata 79