Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 14

لَهُ دَعْوَةُ الْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُمْ بِشَيْءٍ إِلَّا كَبَاسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى الْمَاءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَالِغِهِ ۚ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ 14 ١٤

Ukol sa Kanya ang panalangin ng katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw. (14)

Tafsīr
Ukol kay Allāh lamang ang panawagan ng Monoteismo, na walang nakikitambal sa Kanya roon na isa man, samantalang ang mga anitong dinadalanginan ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa panalangin ng dumadalangin sa mga ito sa anumang hiling. Walang iba ang panalangin nila sa mga ito kundi tulad ng isang uhaw na nag-aabot ng kamay niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya para uminom mula rito, gayong ang tubig ay hindi aabot sa bibig niya. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya sa mga anito nila kundi nasa isang pagkawala at isang pagkalayo sa tama dahil ang mga ito ay hindi nakakakaya ng pagdudulot ng pakinabang para sa kanila ni ng pagtutulak ng pinsala.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba