Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Natuwa sila sa buhay na pangmundo gayong walang iba ang buhay na pangmundo [sa paghahambing] sa Kabilang-buhay kundi isang [panandaliang kaunting] natatamasa. (26)
Tafsīr
Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos sa sinumang niloloob Niya at nagpapasikip sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang pagpapalawak sa panustos ay hindi isang palatandaan ng kaligayahan ni ng pag-ibig ni Allāh ni ang pagsikip nito ay isang palatandaan ng kalumbayan. Natuwa ang mga tagatangging sumampalataya sa buhay na pangmundo kaya sumandal sila at napanatag sila rito gayong walang iba ang buhay Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi isang natatamasang kaunti na lilisan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: