Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nagsisising nanumbalik, (27)
Tafsīr
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit kaya hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: