Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog at ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga tagapangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. (35)
Tafsīr
Ang katangian ng Paraiso na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay na ito ay dinadaluyan ng mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo nito at mga puno nito. Ang mga bunga nito ay namamalagi, hindi nauubos, na salungat sa mga bunga sa Mundo. Ang lilim nito ay namamalagi, hindi naglalaho at hindi umuurong. Iyon ay ang kahihinatnan ng mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kahihinatnan naman ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. Papasukin nila iyon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: