Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 37

وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَمَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا وَاقٍ 37 ٣٧

Gayon Kami nagpababa nito bilang kahatulang [nasa wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni tagasangga. (37)

Tafsīr
Tulad ng pagpapababa Namin ng mga kasulatang nauna ayon sa mga wika ng mga taong pinatungkulan ng mga ito, nagpababa Kami sa iyo, O Muḥammad, ng Qur'ān bilang pananalitang pagpapasyang naglilinaw sa katotohanan sa [wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka, O Sugo, sa mga pithaya ng mga May Kasulatan sa pakikipagsumamo nila sa iyo hinggil sa pag-aalis ng hindi umaayon sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalamang itinuro sa iyo ni Allāh, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa iyo at mag-aadya sa iyo laban sa mga kaaway mo at walang ukol sa iyo na tagapagtanggol na magtatanggol sa iyo laban sa pagdurusang dulot Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba