Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ba sila nakakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Si Allāh ay humahatol; walang tagapagpabago sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos. (41)
Tafsīr
Hindi ba nakasaksi ang mga tagatangging sumampalataya na ito na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa ng kawalang-pananampalataya, na bumabawas Kami rito mula sa mga gilid nito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Islām at pagsakop ng mga Muslim dito? Si Allāh ay humahatol at humuhusga ayon sa niloloob Niya sa pagitan ng mga lingkod Niya; walang isang nakapagpapabago sa kahatulan Niya sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa o pagpapaiba o pagpapalit. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang mabilis ang pagtutuos: nagtutuos Siya sa mga una at mga huli sa iisang araw.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: