Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 41 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 41 sa 43 • Tagalog


أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَأْتِي الْأَرْضَ نَنْقُصُهَا مِنْ أَطْرَافِهَا ۚ وَاللَّهُ يَحْكُمُ لَا مُعَقِّبَ لِحُكْمِهِ ۚ وَهُوَ سَرِيعُ الْحِسَابِ 41
Pagsasalin:
Hindi ba sila nakakita na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa, na nagbabawas rito mula sa mga gilid nito? Si Allāh ay humahatol; walang tagapagpabago sa kahatulan Niya. Siya ay ang mabilis ang pagtutuos. Ar-Ra‘d 13:41
Tafsīr:
Hindi ba nakasaksi ang mga tagatangging sumampalataya na ito na tunay na Kami ay pumupunta sa lupa ng kawalang-pananampalataya, na bumabawas Kami rito mula sa mga gilid nito sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Islām at pagsakop ng mga Muslim dito? Si Allāh ay humahatol at humuhusga ayon sa niloloob Niya sa pagitan ng mga lingkod Niya; walang isang nakapagpapabago sa kahatulan Niya sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa o pagpapaiba o pagpapalit. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang mabilis ang pagtutuos: nagtutuos Siya sa mga una at mga huli sa iisang araw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 40 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 42