Kung magpapakita nga man Kami sa iyo ng ilan sa [pagdurusang] ipinangangako Namin sa kanila o babawi nga man Kami sa iyo, tanging kailangan sa iyo ang pagpapaabot at nasa Amin ang pagtutuos. Ar-Ra‘d 13:40 ⧉
Tafsīr:
Kung magpapakita Kami sa iyo, O Propeta, ng ilan sa ipinangangako Namin sa kanila na pagdurusa bago ng kamatayan mo, iyon ay nasa Amin na; o kung magbibigay-kamatayan Kami sa iyo bago Kami magpakita sa iyo niyon, walang kailangan sa iyo kundi ang pagpapaabot ng ipinag-utos Namin sa iyo na ipaabot at hindi kailangan sa iyo ang pagganti sa kanila ni ang pagtutuos sa kanila sapagkat iyon ay nasa Amin na.