Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 42 sa 43 • Tagalog


وَقَدْ مَكَرَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ فَلِلَّهِ الْمَكْرُ جَمِيعًا ۖ يَعْلَمُ مَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ ۗ وَسَيَعْلَمُ الْكُفَّارُ لِمَنْ عُقْبَى الدَّارِ 42
Pagsasalin:
Nagpakana nga ang mga bago pa nila [laban sa mga propeta] ngunit sa kay Allāh ang pakana nang lahatan. Nakaaalam Siya sa nakakamit ng bawat kaluluwa. Malalaman ng mga tagatangging sumampalataya kung ukol kanino ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan. Ar-Ra‘d 13:42
Tafsīr:
Nagpakana nga ang mga naunang kalipunan sa mga propeta nila, nanlansi ang mga iyon sa kanila, at pinasinungalingan sila sa inihatid nila. Kaya ano ang ginawa nila sa pagpaplano ng mga iyon sa kanila? Walang anuman dahil ang pagpaplanong gumagana ay ang pagpaplano ni Allāh hindi ng iba pa sa Kanya, kung paanong Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nakaaalam sa lahat ng mga gawa ng nilikha sa kabuuan nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga ito. Sa sandaling iyon ay malalaman ng mga tagapagpasinungaling na ito kung gaano sila naging mga nagkakamali sa kawalan ng pananampalataya kay Allāh at kung gaano ang mga mananampalataya ay naging mga tama kaya makakamit ng mga ito dahil doon ang Paraiso at ang kahihinatnang maganda.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 41 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 43