Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 43 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 43 sa 43 • Tagalog


وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَسْتَ مُرْسَلًا ۚ قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ شَهِيدًا بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ وَمَنْ عِنْدَهُ عِلْمُ الْكِتَابِ 43
Pagsasalin:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw ay hindi isang isinugo. Sabihin mo: “Nakasapat si Allāh bilang saksi sa pagitan ko at ninyo, at ang sinumang may taglay ng kaalaman sa Kasulatan. Ar-Ra‘d 13:43
Tafsīr:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya na ikaw, O Muḥammad, ay hindi isang isinugo mula kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nakasapat si Allāh bilang tagasaksi sa pagitan ko at ninyo na ako ay isinugo mula sa Panginoon ko sa inyo, at ang sinumang may taglay ng kaalaman mula sa mga makalangit na kasulatan na nasaad sa mga ito ang paglalarawan sa akin. Ang sinumang si Allāh ay naging tagasaksi sa katapatan niya ay hindi pipinsala sa kanya ang pagpapasinungaling ng sinumang nagpasinungaling."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 42 Susunod Ibrāhīm • Talata 1