Alif. Lām. Rā’. [Ang Qur’ān na ito ay] isang Aklat na pinababa Namin sa iyo upang magpalabas ka sa mga tao mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa pahintulot ng Panginoon nila tungo sa landasin ng Makapangyarihan, Kapuri-puri: Ibrāhīm 14:1 ⧉
Tafsīr:
Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang Qur'ān na ito ay aklat na pinababa Namin sa iyo, O Sugo, upang magpalabas ka sa mga tao mula sa kawalang-pananampalataya, kamangmangan, at kaligawan tungo sa pananampalataya, kaalaman, at kapatnubayan ayon sa pagnanais ni Allāh tungo sa Relihiyon ng Islām na siyang daan ni Allāh, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, ang pinupuri sa bawat bagay.