Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 29)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




28 Al-Qaṣaṣ(القصص), Talata 29

فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى الْأَجَلَ وَسَارَ بِأَهْلِهِ آنَسَ مِنْ جَانِبِ الطُّورِ نَارًا قَالَ لِأَهْلِهِ امْكُثُوا إِنِّي آنَسْتُ نَارًا لَعَلِّي آتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ جَذْوَةٍ مِنَ النَّارِ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ 29 ٢٩

Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: “Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit.” (29)

Tafsīr
Kaya noong nakumpleto ni Moises at nagampanan ang dalawang taning na sampung taon at humayo siya kasama ng mag-anak niya mula sa Madyan patungo sa Ehipto, nakakita siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang ulat o makapagdala ng isang ningas ng apoy na magpaparikit kayo sa pamamagitan niyon ng apoy, nang harinawa kayo ay makapagpapainit laban sa ginaw."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba