Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 29 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 29 sa 88 • Tagalog


فَلَمَّا قَضَىٰ مُوسَى الْأَجَلَ وَسَارَ بِأَهْلِهِ آنَسَ مِنْ جَانِبِ الطُّورِ نَارًا قَالَ لِأَهْلِهِ امْكُثُوا إِنِّي آنَسْتُ نَارًا لَعَلِّي آتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ جَذْوَةٍ مِنَ النَّارِ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ 29
Pagsasalin:
Kaya noong natapos ni Moises ang taning at humayo siya dala kasama ng mag-anak niya, nakatanaw siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: “Manatili kayo; tunay na ako ay nakatanaw ng isang apoy. Harinawa ako ay makapaghahatid sa inyo mula roon ng isang ulat o isang baga mula sa apoy nang harinawa kayo ay makapagpapainit.” Al-Qaṣaṣ 28:29
Tafsīr:
Kaya noong nakumpleto ni Moises at nagampanan ang dalawang taning na sampung taon at humayo siya kasama ng mag-anak niya mula sa Madyan patungo sa Ehipto, nakakita siya mula sa gilid ng bundok ng isang apoy. Nagsabi siya sa mag-anak niya: "Mamalagi kayo; tunay na ako ay nakakita ng isang apoy. Harinawa ako ay makapagdala sa inyo mula roon ng isang ulat o makapagdala ng isang ningas ng apoy na magpaparikit kayo sa pamamagitan niyon ng apoy, nang harinawa kayo ay makapagpapainit laban sa ginaw."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 28 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 30